4. Mga kalahok ng Tupi para sa
T'nalak Festival 2016, nagsisimula nang
mag-ensayo!
Dalawang
buwan bago ang T’nalak Festival 2016 ay nagsisimula nang mag-ensayo ang mga
kalahok ng bayan ng Tupi.
Nagsimula
na ang ensayo o rehearsals ng Search for Mutya ng South Cotabato 2016 na kung
saan si Miss Carren Mae Mundia ang opisyal na representante ng Tupi.
Sasalihan
din ng Tupi ang Piyesta Sa Kapatagan Street Dancing Competition na ang mga
partisipante ay mula sa Tupi National High School.
Matatandaang
dalawang taon nang namahinga sa nasabing kompetisyon ang Tupi at ngayon ay muling
sasabak at magpapakitang gilas sa larangan ng Street Dancing.
Dagdag pa dito, bumuo na ang Tupi ng magiging opisyal na miyembro ng Awit, Dula, at Sayaw o ADUSAY.
Dalawang sunod-sunod
na taon na ring hawak ng Tupi ang kampeonato sa ADUSAY competition at maging sa
Bahay Kubo Competition.
Ang Lokal
na Pamahalaan ng bayan naman ay lalahok sa Thematic Parade- LGU Category
sa kauna-unahang pagkakataon.
Hulyo nitong
taon ipagdiriwang ang ika-limampong anibersaryo ng probinsya ng South Cotabato.
Sampong munisipyo at isang lungsod naman ang maghaharap sa iba’t-ibang
competition.
Matatandaang, anim na raang libong piso ang ilalaan na pondo ng LGU-Tupi sa naturang selebrasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento