Mga Pahina

Linggo, Mayo 22

700 0-1year-old, nabigyan ng libreng immunization

Tinatayang nasa pitongraan at labintatlong batang sanggol ang naitalang nabigyan na ng immunization o bakuna simula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Mayo ng Tupi Rural Health Unit

Ang immunization ay pagbibigay ng iba't-ibang bakuna sa mga sanggol simula ng kanilang kapanganakan hanggang isang taon.

Ito ay upang maiwasan ang iba't-ibang sakit na posibleng dumapo sa kanila tulad ng mga Tuberkulosis, Hepatitis B, Dipterya, Tetano, Pertusis, Pulmonya, Meningitis, Polio, Tigdas, Beke, at German Measles.


Programa ito ng Department of Health (DOH) na lahat mga bakuna ay makukuha ng libre sa lahat ng health center o barangay health center.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento