Umabot sa tinatayang anim na
milyon at pitumpo’t dalawang libong piso (P6,072,000.00) ang nairelease o
naipamahagi sa mga Indigent Senior Citizen ng bayan ng Tupi para sa kanilang
social pension.
Ito ay datus mula sa Tupi
Municipal Social Welfare and Development Office para sa taong 2015.
Sa kabuuan, umabot na sa higit isang libo ang ang social pensioner dito sa
bayan.
Tumatanggap ng isanlibo at limandaang piso (P1,500) ang bawat senior citizen
edad 65 anyos at pataas kung napabilang sa National Housing Target System, at
edad 77 anyos at pataas naman kung hindi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento