Upang suriin ang 2015
Malnutrisyon Prevalence Rate sa
Probinsya ng South Cotabato ay isasagawa ang isang Coordinative Meeting sa mga
Partners at stakeholders ngayong darating na May 27 sa W-Barney Restaurant,
Lungsod ng Koronadal.
Ito ay pangangasiwaan ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office.
Bubuuhin din sa
pagpupulong ang Nutrition Plan of Action para sa taong 2016. Kabilang na rito
ang mga prioridad na programa, proyekto at aktibidad kaugnay sa pagbawas ng
malnutrisyon at pagsulong ng Public-Public at Public-Private Partneship sa
programang nutrisyon.
Matatandaang, bumaba ang
Malnutrisyon Prevalence Rate sa Probinsya sa nakaraang limang taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento