Mga Pahina

Martes, Mayo 10

PSWDO, nagsagawa ng assessment at nagpaabot ng financial assistance sa mga displaced families (Arnold)

Nagpa-abot ng financial assistance ang Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) para sa dalawampu’t dalawang displaced families kamakailan.

Bukod sa tulong pinansyal, nagsagawa pa ito ng assessment na kung saan kumuha ito ng mga data, documents, at mga ID's ng bawat pamilya

Matatandaang sila ang mga pamilyang nanggaling sa isang private area sa Brgy. Polonuling na basta-basta na lamang pinaalis.

Ang mga bagong dating na siyam na pamilya ay hindi na naabutan ng PSWDO kung kaya’t bigo pa itong sumailalaim ng assessment.

Sa ngayon ang mga displaced families ay nakakatanggap ng tulong sa local na pamahalaan ng Bayan ng Tupi katulad ng mass feeding at food packs araw-araw.



Samantala, nagbigay rin ng apat na sakong bigas at limang karton na canned goods ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento