Hindi isang aswang kundi isang lalaking
pinaghihinalaang may deperensya sa pag-iisip ang tinuturong sumalakay sa bahay
ng isang pamilya sa Barangay Cr. Rubber Bayan ng Tupi.
Ito ang pahayag ni Punong Barangay
Estanislao Orencio na pinabulaanan ang ngayo’y kumakalat sa social media na
nagsasabing aswang ang sumalakay umano sa tinitirahan ng tatlong pamilya.
Ang lalaking umano’y may deperensya sa
pag-iisip ay mayroong barong-barong na nakatirik malapit sa tirahan ng mga
biktima.
Dagdag pa ni PB Orencio, bandang ala una
ng madaling araw noong isang araw nang ipaalam sa kanya ang balita.
Pansamantalang lumikas sa mga kamag-anak nila
sa Relocation Site, Barangay Kalkam ang mga biktima ngunit bumalik naman ito kalaunan.
Bukod sa sirang pintuan, wala nang
naitalang pinsala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento