Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 4

Wanted na may kasong Attempted Homicide, timbog

Isang wanted na may kinakaharap na kasong Attempted Homicide ang timbog kamakailan sa ikinasang Manhunt Charlie ng Tupi Municipal Police Station.

Kinilala ang suspek na si Adornado Gaspar Salvasor alyas "Palos", 27 anyos, walang asawa at residente ng Purok 7, Brgy. Poblacion.

Napag-alamang si Salvasor ay panghuli sa listahan ng wanted sa batas ng himpilan ng pulisya dito


Ito ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest with criminal case number 8034 na inisyo ni Hon. Marie Grace V. Entilla,  presiding judge ng 11th Judicial Region, Municipal Trial Court of Tupi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento