Bago pa man nagbukas ang Kalayaan Job
Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) 12, hindi bababa sa 500 aplikante ang
nakapila na nasa labas ng venue.
Sinabi ni DOLE 12 OIC Regional
Director Albert Gutib na mahigit 3,300 na trabaho
ang handog ng 27 lokal na kompanya at 13 overseas
recruitment agency na kalahok sa job fair.
Kabilang sa mga trabahong maaring
aplayan sa mga lokal na establisimyento ay ang sumusunod:
grocery service crew, sales assistants, cashiers, checkers, call
center agents, baggers, field sales assistants, clerks, encoders,
delivery personnel, dispatchers, wholesale pickers, hospital
staff at marami pang iba.
Pinakamarami namang hinahanap para sa trabaho sa
ibayong dagat ang sumusunod: drivers, nurses, bus at truck
maintenance technicians, waiters at service crews,
electricians, carpenters, mason, housekeepers, civil
engineers, mechanical engineers, laboratory technicians,
mechanics at quality assurance control personnel.
Umaasa si OIC Director Gutib na 20 porsiyento o
mahigit pa sa mga applikante ang agarang
matatanggap sa trabaho o hired on-the-spot..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento