Sa taong 2017, bibigyan ng Department of
Agriculture ng libreng binhi at abono ang mga magsasaka
ng palay sa buong bansa.
Ito, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel
Piñol ay paunang hakbang sa mga inisyatibo para
makamit ng bansa ang kasapatan ng bigas.
Gayunman, binigyang-diin ng kalihim na
alinsunod ng kaugaliang Pilipino na mag-imbak ng makakain,
uubligahin ang mga mabibigyan ng ayuda na mag-impok sa bangko
ng halaga na katumbas ng halaga ng production input na ibinigay
ng pamahalaan.
Sa ganitong paraan, may madudukot na pera
ang mga magsasaka na pambili ng magagamit sa sakahan sa
susunod na planting season.
Ginawa ni Secretary Piñol ang pahayag
sa pagtatapos ng 50th Foundation Anniversary at 17th Tnalak
Festival ng South Cotabato kung saan isa siya sa tatlong panauhing
pandangal.
Kaugnay rito, hinikayat ni Secretary Piñol ang
mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga production area at expansion
area sa palay sa kani-kanilang lugar.
Kailangan aniya ito para
makapagpapadala ang DA ng tamang halaga ng
binhi at abono sa mga magsasaka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento