Mga Pahina

Miyerkules, Hulyo 29

Blood Letting isasagawa sa Bayan ng Tupi

Magsasagawa ang Tupi Rural Health Unit  katuwang ang Provincial Blood Bank Staff ng Blood letting sa iba’t-ibang barangay sa Bayan ng Tupi.

Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng sapat na supply ng dugo ang munisipyo para sa mga nangangailangan na residente ng Bayan.

Nakatakdang isasagawa sa Cr.Rubber Gymnasium ang Blood Letting sa August 6 kung saan pwedeng magdonate ang residenteng nakatira sa Lunen at Kalkam.

Habang pwede namang tumungo ang mga residente ng Brgy. Palian, Tubeng at Bololmala sa Palian Gymnasium upang magdonate ng dugo.

Samantala, nakatakda naman sa September 10 ang blood letting activity sa Cebuano Gymnasium. Pwede ring pumunta ditto ang mga residente ng Linan

Para naman sa mga residente ng Brgy. Poblacion kabilang ang Upper Poblacion at Brgy. Bunao, maaring tumungo sa Municipal Health Office sa darating na September 24

Ang Brgy. Acmonan at Kablon ay nakatakda sa October aotso sa Acmonan Gymnasium, at ang Brgy. Polonuling at Simbo sa October 22 sa Polonuling Gymnasium.

Maari pong mag donate ng dugo ang nasa edad 16-50 years old na may bigat na hindi bababa sa 110 pounds o 50 kls at mayroong malusog na pangangatawan.

Makakatanggap naman ng libreng doctor’s check-up free laboratory tests, magkakaroon ng donor’s card at iba pa.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento