Mga Pahina

Biyernes, Hulyo 31

Munisipyo sa Barangay isinasagawa sa Barangay Simbo

Kasalukuyang isinasagawa ang Munisipyo sa Barangay o ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo na mayroon ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Tupi sa Barangay Simbo ngayong araw., July 31.

Sa halip na ang mga daan-daang residente ng Simbo ang pupunta sa local na pamahalaan ay ang pamahalaan na mismo ang pumunta at nag-abot ng mga serbisyo direkta sa kanila.

Kabilang sa mga inialok na mga serbisyo ay ang sumusunod: 
1. Supplemental Feeding-Municipal Social Welfare Development Office,
2. Medical Service-Tupi Rural Health Unit at Roel I. Senador Memorial Hospital, 
3. Dental Service ng Tupi-Rural Health Unit, 
4. Birth and other Registration-Municipal Civil Registrar,
5. Real Property Taxes Assessment - Municipal Assessors Office, 
6. Business Licensing-Office of the Mayor, 
7. Road Maintenance at other Engineering works-Municipal Engineering Office, 
8. Cattle Marking - Office of the Municipal Agriculturist, 
9. Solid Waste Management Campain- Municipal Environment and Natural Resources Office,
10. Disaster Risk Reduction Management Orientation-Municipal Disaster Risk Reduction Managent Office, 
11. Voter’s Registration-Commission on Election.

Kabilang rin Kasalan sa Barangay na iooficiate ni Tupi Mayor Reynaldo S. Tamayo Jr. Ang Forum o Magtanong sa Pamahalaan at Pre-Legal Assistance ay tampok rin sa mga serbisyong handog ng pamahalaan.

Ang Munisipyo sa Barangay o Barangayan ay isa sa mga programa sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Tamayo.


Ito ay nagsimula noong Enero 16 sa Acmonan at ika-14 na barangay na ang Simbo. 

Nakatakda naman sa Agosto 14 ang pinakahuling Barangayan na idadaos sa Barangay Tubeng.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento