Mga Pahina

Linggo, Mayo 22

4K 4P’s beneficiaries ng Tupi, tumanggap ng Cash Grants

Muling nakatanggap ng benepisyo ang mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps ng Bayan ng Tupi noong nakaraang lingo.

Ayon sa tala ng opisina ng 4Ps, nasa apat na libo, isandan at pitumpo’t anim (4, 176) na benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay ang tumanggap ng cash grants mula sa Department of Social Welfare and Development Office.

Layunin ng programa na mabigyan ng tulong ang mga pamilyang nangangailangan ng pinansyal na tulong galing sa gobyerno upang mapabuti ang kanilang Kalusugan, Nutrisyon at Edukasyon partikular sa mga kabataan na may edad na 0-14 anyos.

Bibigyan ng mga incentives ang mga mahihirap na pamilya para sa hinaharap at upang matiyak na ang mga nanay at kabataan ay makakatanggap ng libreng pangangalaga sa kalusugan at libreng edukasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento