Mga Pahina

Linggo, Mayo 22

Tupi-PNP nagsagawa ng lecture ukol sa iba't-ibang batas pantao

Patuloy pa ring nagsasagawa ang himpilan ng Tupi- Philippine National Police ng lecture ukol sa iba't-ibang batas at karapatang pantao sa mga barangay dito sa bayan ng Tupi.

Kamakailan lamang ay ikinasa nito ang lecture sa Barangay Acmonan.


Pinangungunahan ito ng ating Deputy Police Inspector Rene Gale Gabuat Cairel at PO2 Jiezel Zamora.


Tinalakay nila ang tungkol sa Gender and Development. Dagdag pa dito ang pagtalakay sa Gender Equality, Lambat Sibat,Barkada kontra Droga, at mga batas at mga karapatang pantao.


Dumalo naman sa nasabing lecture ang mga mamamayan ng nasabing barangay at mga lambat sibat volunteers.



Layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga bawat tao ng sarili nilang mga karapatan. maging mabuting ehemplo at mamamayan sa komunidad. (Arnold) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento